Do-Be-Do-Be-Do

This blog was originally posted in my Facebook Note last March 16, 2014.

Bago pa magsimula ang taong ‘to, I believe that God will bring me to the places na hindi ko pa nararanasan at napupuntahan – circumstances that will really stretch my faith, maturity, character, obedience and personal relationship with Jesus.

February 18 – Musical Elimination. We made it to the Finals.

February 21 – Finals. We didn’t make it to the Top 4.

Pagkauwi mula sa bonding with my classmates, kahit hindi man kami nakapasok sa Top 4, still, I know there’s joy in my heart. Di ako umuwi ng defeated. Nakangiti akong umuwi. Weird para sken na mapansin ko yung sarili ko na ganito pero sabi ni Lord, “See Randy? Hindi naman kasi about sa prize or award ‘yun, ang importante ay kung sino ka naging matapos ang buong experience mo sa play.”

At dito ulit may nagsimulang mabago sa isip ko…

May mga bagay kang ayaw mo talaga maranasan o pasukin pero ‘yun yung gusto ni God para sa buhay mo. But if you’re going to choose to die to yourself, that’s also the time you will see yourself alive in Christ.

May mga oras kasi na kapag tinawag tayo ni Lord sa ganitong bagay o lugar, o kapag hinarap ka nya sa isang sitwasyon, problema o pagsubok, madaling maout of focus dahil hinahanap natin agad kung ano yung pinapagawa nya, gagawin natin or kung ano ang pwedeng maging solusyon. May mga pagkakataon pa na sigurado ka na tinatawag ka ni Lord para sa isang bagay na yan pero dahil nararamdaman at nakikita mo na parang hindi nagiging okay ang lahat, bigla na lang tayo magkakaroon ng doubt.

Tulad ng sa akin, when I knew God is calling me to lead the group for our play, ang nasa isip ko, kelangan creative at excellent ang pagtuturo kasi at the end, may promise si Lord, sabi ko sa Kanya, “may testimony na mabubuo dito pagkatapos Lord” e hindi nanalo, so parang naisip ko kung tama ba lahat ng nangyari?

Few hours after, Of course , lahat yun nasa plan ni God, di ko lang maappreciate kasi iba yung tingin ko sa calling sa talagang purpose Niya on that calling. Iba yung iniisip kong testimony or way sa gagawin Nya. Akala ko magglorify lang yung Name nya pag nanalo kami pero hindi pala, magglorify pa rin pala yung Name Nya in other way na di ko ineexpect. Which reminded me na I am not the author of my own life. I cannot make my own purpose and will.

More than those things na ginagawa ko, God made me realized na He is really after me: me being as a person, as a son, not just a servant. He is more concern of me than the things that I do.

     

I AM CALLED TO BE NOT TO DO.

 

“WE ARE CALLED TO BE NOT TO DO.”

–Coach Robert Gonzales

 

Itong lesson na ‘to ang dala dala ko noong…

March 10-14: Pagtakbo ko sa SSG.

I obeyed Him but at the end, hindi na naman pala mananalo. Ang pagkakaiba nga lang ngayon, hindi ka na magtatanong ng “Lord? Ano pang sense nun?” kasi now you know na behind that, He still works things for your own good.

Hindi lang ako magiging victorious kung sakaling kami yung nanalo sa play at SSG. No. VICTORIOUS na pala ko bago magsimula pa lang ang mga bagay na ‘to. Dahil sa ginawa ni JESUS.

Sino ba namang mag-aakala na yung isang lalaking mahiyain, walang tiwala sa sarili, walang lakas ng loob, insecure, tahimik,  na sa tingin niya, ang hindi malista ang pangalan nya sa listahan ng noisy ang greatest achievement nya na matatanggap nya sa buhay – biglang makikita mong maglelead at magsasalita sa harapan ng maraming tao? LUH?! Akala ko lumaki akong tahimik at mahiyain, mamamatay din akong ganun…

Si Lord lang. Si Lord lang ang may alam nun. Dahil bago ka pa maniwala sa sarili mo, Siya muna ang unang nagtiwala sa’yo at nakita kung ano ang mararating at magagawa mo.

He called me to be Courageous. To be Bold. To be a strong and obedient Follower/Son. Si Lord ang may alam ng magiging testimony mo.

Maybe may mga pinagdadaanan kang problems, challenges, stretching, commands sa buhay mo ngayon but let God remind you that He is really more concern of you than what you do. He wants you to be the man or woman He created you to be while doing those things. So if you miss the opportunity to do the things He wants you to do, you will also miss the person He created you to be. Hindi magmamake sense yung mga bagay na ginagawa natin kung hindi naman tayo magiging isang tao na Kanyang orihinal na ginawa. Wag kang magsettle sa kung pano mo nakikita ang sarili mo ngayon. God sees you as a butterfly though you see yourself as a caterpillar. May mga kaya ka pang gawin, hindi mo pa lang makita. You are better today than yesterday! Sabi nga sa kanta.. “There’s a better version of me that I can’t quite see but things are gonna change…”

Sobrang dabest! Bangklase! Ang plano ni God sa buhay mo! And let me tell you, full package ‘to! You get the chance to witness and discover na nga the man or woman you are really meant to be, you also get the opportunity to experience God pa! Pramis. Nakakahumble. Nakakapanghina yung glory Niya. Even you are undeserving and unworthy, still, He gave you the opportunity to co-labor with Him. Nakakapawis ng mata. And anyways, at the end of the day, it will still all fall to and for His glory. Though we are being changed and molded, para pa rin yun sa glory Niya because we are for Him. We are being transformed into His likeness. (2 Cor. 3:18)

 

We are called TO BE LIKE JESUS. Not just TO DO LIKE JESUS.

 

To wrap this up, I wanna remind you of this: YOU ARE A HUMAN BEING, NOT A HUMAN DOING! 🙂

To do. To do. To do. So kung napagod ka na sa kaka-To Do lalo na sa semester na ito, sige! soon, yan pagkwentuhan natin!

Advertisements

3 responses to “Do-Be-Do-Be-Do

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

ThatBLKGuy

God. Reality. Truth. Convictions. Issues. - Life in short.

DISCIPLESHIPNEVERSTOPS

disciple in the making

jrestrada7's Blog

A topnotch WordPress.com site

Ian Daguman

Family, Leadership and Campus Ministry

In Princess's Heart

Craving for Wisdom, Truth and Love

LOVE WINS

THE AGAPE LOVE

Royal Priesthood

a chosen generation called out of darkness into Light

one step at a time

high. mighty. righteously.

Woman after God's own heart.

Delight yourself in the LORD and He will give you the desires of your heart. ~Psalm 37:4

Bits and pieces

The Freedom We Know

Jessica Verzon

Just some random thoughts

The Daily Post

The Art and Craft of Blogging

%d bloggers like this: