Sonship 1.0

This blog was originally published, March 14, 2013.

Minsan kelangan mong makapili ng schedule na hanggang gabi.

Makaranas ng deliberation sa pagproposed ng project.

Makatanggap ng mababang grade sa unang pagpasa ng document.

Walang tamang pahinga.

Muntikan ng hindi makasama sa araw ng defense.

Hindi tapos ang system sa thesis.

Maipwesto sa system unit na masikip at mahirap ikabit.

Hindi natupad ang prayers na makatanggap ng high and good grades this semester.

Mahirap. Masakit. Nakakadisappoint. Nakakadiscouraged. Wala ka ng magawa kundi lumuhod, umiyak at makipag-usap sa isang taong nakakaintindi sa’yo. Jesus.

Sa gitna ng mga bagay na ‘yun, bigla ko na lang tinanong sa sarili ko na, “God, anak mo pa ba ako?” Hindi dahil sa sinisisi ko Siya pero dahil sa nakikita ko sa sarili ko. Ako ang may dahilan. Sarili ko mismo ang nagtatanong nun sa sarili ko. Ako na mismo ang tumitingin ng mababa sa sarili ko.

I am a student. I am a Christian. A Follower of Jesus. And as a ‘Christian Student’, I am about to honor and glorify God in my studies, in my grades. Pero baligtad ang nangyari. Paano ko masasabing ‘Thank you Lord sa grades ko, ikaw ang reason nito, para sa’yo to.’; ‘Thank you Lord natapos namin yung thesis namin, dahil sa strength at wisdom na binigay mo.’ kung ‘di yun ang nangyari. Nakakawala ng worth. Nakakapanghina. Hindi ko mataas ang pangalan Niya. 😥

Let’s go back to this line:

“Hindi dahil sa sinisisi ko Siya pero dahil sa nakikita ko sa sarili ko. Ako ang may dahilan. Sarili ko mismo ang nagtatanong nun sa sarili ko. Ako na mismo ang tumitingin ng mababa sa sarili ko.” 

 

 Nakatingin ako sa sarili ko. Sa sinasabi sken ng sarili ko. And once na nagfafall ka sa walk mo with God, I believe na isang dahilan nun is yung pagfocus mo sa sarili mo. Sa isang letrang “I” nagsisimula.

Fix your eyes on Jesus. The Author and Perfecter of our Faith. 

 

 Maybe nung una di ko naiintindihan. Nakatingin ako sa pangyayari. Nakakawala ng pag-asa. Hanggang sa kinausap ko Siya. Sinabi at iniyak ko lahat sa Kanya.

“Lord, napakawala kong kwenta, ang baba ng grades ko, ‘di maganda kinalabasan ng thesis namin, ‘di ko na magawa mga pinagagawa mo sken dahil sa pagiging busy ko, nagagawa ko pa ba yung will at purpose mo sa buhay ko? Sa mata mo, anak mo pa kaya ako? Mas maganda pa yung performace ng ibang taong walang relationship sa’yo, ‘di ko pwedeng gawing dahilan ang mga ‘di magagandang ginawa nila kaya nila nakuha yun. Nawala yung motivation ko sa pag-aaral. Humihingi naman ako ng tulong at nagppray sa’yo sa bawat gagawin ko. Ginawa ko yung lahat, pinangunahan na ko ng pagod, stress at discouragement. Naiinis na ko sa sarili ko. Sorry, Lord…”

 

*Silence… He spoke to me.

“Mababa grades mo? Di maganda kinalabasan ng thesis niyo? Randy, ‘di lang naman sa number at performance mo Ko magglorify e, magglorify mo rin Ako sa paraan ng pagharap mo sa mga pagsubok na binibigay Ko sa’yo. Kaya mo naman akong pasalamatan sa gitna ng lahat at kaya mo naman maging masaya sa mga low points na naranasan mo. Bagay na hindi nila nagagawa. Kahit anong natanggap mo, magiging masaya ka pa rin, kasi may relationship tayong dalawa. Ikaw, ako, palaging magkasama. ‘Yung mga lessons na pinakita ko Sa’yo, matuturo mo ‘yun sa ibang tao. Masakit man para s’ken na bigyan ka ng pagsubok at pagdidisiplina pero isa ‘yun sa paraan ko para ipakita na ANAK at MAHAL KITA.” =’]

 

In the middle of those sleepless nights, disappointments and discouragements, His voice was still the one that motivated and encouraged me. It’s not about me. It’s about Him. Character lang ako sa isang istorya na Siya ang nagsulat at gumawa.

  

Mahirap at challenging ang semester na ‘to. Pero natapos ko. Yes, umuulan ng ‘2’ yung grades ko, pero walang bagsak. Makkgraduate ako. Isa ‘yan sa bagay at rason na dapat kong ipagpasalamat sa Kanya. Faithful at Mapagmahal kasi Siya. Hindi matutumbasan ng mataas na grades ang natutunan ko galing sa Kanya. Hindi matutumbasan ng isang ngiti ng mga professors ko yung pagmamahal Niya. God’s GRACE. God’s MERCY. God’s LOVE. Dyan ako kumapit sa gitna ng lahat. I am reminded na isa sa mga dahilan kaya Niya tayo binibigyan ng adversity is because we are His Sons and Daughters. SONSHIP. (Upside of Adversity by Os Hillman)

Astig. Anak Niya nga ako. Anak ako ng pinakamayaman, pinakamabait at pinakasupportive Daddy in the whole world and universe. Bangklase.

Hindi basehan ang problema at pagsubok para masabing hindi ka Niya anak. ‘Yun pa nga ang mark na you are His child. He wants us to be molded.

Kelangan bang umiiyak ako habang ginagawa ko ‘to? Ang drama ko, kainis. Hehe. Pero deserve Niya ‘to eh. He deserves all the glory and praises. He is my greatest reward. After ko makagraduate, isang malaking decision na naman ang kelangan kong isipin, kung itutuloy ko ‘to sa 3rd year or lilipat ako.

Hanggang hinihintay ko ang sagot Niya, ‘di ako magsasawang magserve at magworship sa Kanya… Sabihin na FAITHFUL Siya.

Mahal Niya ko. Mahal ka Niya. Nothing could ever separate us from His love. Nothing.

Thank you JESUS! Thank you! Your love never fails. =’)

Advertisements

One response to “Sonship 1.0

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

ThatBLKGuy

God. Reality. Truth. Convictions. Issues. - Life in short.

DISCIPLESHIPNEVERSTOPS

disciple in the making

jrestrada7's Blog

A topnotch WordPress.com site

Ian Daguman

Family, Leadership and Campus Ministry

In Princess's Heart

Craving for Wisdom, Truth and Love

LOVE WINS

THE AGAPE LOVE

Royal Priesthood

a chosen generation called out of darkness into Light

one step at a time

high. mighty. righteously.

Woman after God's own heart.

Delight yourself in the LORD and He will give you the desires of your heart. ~Psalm 37:4

Bits and pieces

The Freedom We Know

Jessica Verzon

Just some random thoughts

The Daily Post

The Art and Craft of Blogging

%d bloggers like this: