THESIStimony

Kaakibat na nga ata ng buhay kolehiyo ang mga sandamakmak na thesis, case studies at iba pang paper works. High School pa lang ako, takot na ko naririnig ko pa lang yan. Pero matapos ang apat na taon, sa panahong ‘to, ang mga bagay na kinatatakutan ko noon, eto, isa nang aral at kwento! Hindi lang para saken, pati na rin sa iilang tao…

 

FAITH OVER FEAR.

Hinding hindi ko makakalimutan yung isang gabi na halos pauwi na lahat ng estudyante sa campus, kayo papunta ulit para ihabol ang drafts ng thesis nyo dahil sabi ng professor nyo. First time kong maexperience na sarado na yung campus, kayo nagpapacheck pa rin.

Pero sa gitna ng patuloy na pagkilos nyo, meron ding takot sa puso nyo.

Oo, matatakot ka. Pero sabi nga ni Joyce Meyer, “You may still feel fear but you don’t have to let fear stop you.“

10547130_10201304553576053_4483500776065324708_o“What God has taught me talaga is to be patient lang and not to worry. Cos whether I work or do nothing, what He plans still prevails.

We’ve just got to mixed up our work with faith and devotion. Faith that God can bring success in where He puts us and being devoted to Him while under testing.”

Jessica VerzonAsia Pacific College

May takot. Pero mawawala ‘to kung alam mo din kung sino ang tatakbuhan mo.

Hindi mo man alam kung saan manggagaling yung tulong sa situation mo, for sure, kay God manggagaling yun lahat.

“I lift up my eyes to the hills – where does my help come from? My help comes from the Lord! The Maker of heaven and earth.”

-Psalm 121-1:2

 

TO BE OVER TO DO.

Sa mga ganitong gawain, hindi mo maiiwasang madistract. Mapapasabi ka na lang ng mga linyang “okay na yan, bahala na” o kaya “basta matapos lang ‘to”. Pero sa gitna ng mga to, bigla na lang din akong napatanong, “eto lang ba talaga ang purpose nito?” I believe the meaning and importance of this journey is something deeper.

Para sa amin, ang thesis ay hindi lamang isang gawain na ibinigay, kelangan mong tapusin para makagraduate ka. ito ay isang pagsubok sa buhay na magmomold ng character mo at magbibigay sayo ng mga aral at realizations na pangmatagalan.

Sabi  nga nila minsan mas importante ang journey kesa sa destination. Asking questions to God like “what are you teaching me here?” o “what is it that you want me to see?”

Katulad nga ng sabi ko sa blog kong Do-Be-Do-Be-Do, “More than those things na ginagawa ko, God made me realized na He is really after me: me being as a person, as a son, not just a servant. He is more concern of me than the things that I do.”

We are called not just to do, but to be. 

10547130_10201304553576053_4483500776065324708_o“During our thesis, it has really been a struggle for me to deal with my group mates. I didn’t know how to impose discipline among them and at the same time love them. But God reminded me that He did not give us a spirit of timidity but a spirit of love. So basically, it was really an opportunity for me to understand others and love them like Jesus.”

Neil Gonzales, Asia Pacific College

 

PROMISE OVER PRESSURE

Hindi mo maiwasang magtanong kay Lord kung magiging worth it ba lahat. Kung saan patungo yung bawat pagsisikap nyo. Sa bigat ng nararamdaman mo bigla ka na lang magsasabi ng “Lord hindi ko na po kaya, nanghihina na po ko.” Physically at Spiritually. At dahil hindi mo na nga kaya, hahayaan mo na lang tumulo luha mo sa daan tutal madilim naman.

Lumaban kami kahit sa gitna nito meron kaming takot at walang assurance kung papasa at aabot ba kami sa araw ng defense. Sa gitna ng takot na yun, yung faith na kung ano man yung mangyari, plano ni God ang masusunod. Anuman ang resulta, alam namin na andun si God and He works things for our own good. Totoo ito. Kelangan mong marealize na matapos nyong magawa ang lahat, pumasa man o bumagsak, andun si God.

Hangga’t kaya mo pang lumaban, lumaban ka.  Dahil di mo alam kung paano ipapakita ni God yung deliverance at faithfulness Nya sa part ng buhay mong yun. At palagi mong tatandaan na lumalaban ka dahil yung grace at strength ni God ang nageenable sayo.

10547130_10201304553576053_4483500776065324708_o

“God taught me to be still. Kahit na parang lahat nag mamadali ang busy sa mga kailangan gawin.

God taught me how to be calm at trust Him in every situation. That He will do amazing/unexpected things for you.”

Angelica Pereña, University of Makati

d

You will eat the fruit of your labor, blessings and prosperity will be yours.

-Psalm 128:2

 

RELATIONSHIP OVER RECOGNITION

“but few things are needed—or indeed only one. Mary has chosen what is better, and it will not be taken away from her.”

-Luke 10:42

Mapapagod ka. Masstress ka. Pero sa gitna ng lahat ng ‘to, wag mong kakalimutan kung ano ang pinakaimportante sa lahat.

Ang communication at relationship mo kay Jesus.

Nung dumating yung mga situations na hindi na talaga namin control, yung faith namin nashashaken na, puno ng takot yung heart mo at sobrang pagod na, si Jesus lang ang nakapagbigay ng peace, hope at joy sa heart ko.

Nothing beats with that. Yung time mo with God sa paggising mo sa pagoovernight nyo yung patuloy na magpapalakas sa’yo. Matumba at mashake man ang lahat, alam mo kung Kanino ka nakatayo at nakakapit.

Anuman ang mga nakasulat at bible verses na nasa blog na ito,

Yung love at grace Nya yung magmomotivate at mageenable sa’yo na may pag-asa pa, kaya pa at may dahilan pa para magpatuloy at lumaban.

10547130_10201304553576053_4483500776065324708_o“Ang buhay ay parang Chapters 1 to 5. You can’t go on to the next level kung di mo maiintindihan ung current level mo today. I, on my part, have been very dependent to Him. Sa dami ng ginagawa namin kailangan ko na atang lumunok ng thesaurus at Bibliya. I thank God that He showed me a piece of who He is. In this season, piniga ako ni Lord. Like a cloth. He brought out the worst in me. But, by His grace.. It became an instrument to bring glory to Him.”

Pamaella Shaine Cruz, University of Makati

Sabi nga ng encouragement ng isang kaibigan sa’ken, “Di man uso ang thesis sa panahon ni Jesus, guess what? Jesus is the same yesterday, today and forever.”

Faithful si Lord.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

ThatBLKGuy

God. Reality. Truth. Convictions. Issues. - Life in short.

DISCIPLESHIPNEVERSTOPS

disciple in the making

jrestrada7's Blog

A topnotch WordPress.com site

Ian Daguman

Family, Leadership and Campus Ministry

In Princess's Heart

Craving for Wisdom, Truth and Love

LOVE WINS

THE AGAPE LOVE

Royal Priesthood

a chosen generation called out of darkness into Light

one step at a time

high. mighty. righteously.

Woman after God's own heart.

Delight yourself in the LORD and He will give you the desires of your heart. ~Psalm 37:4

Bits and pieces

The Freedom We Know

Jessica Verzon

Just some random thoughts

The Daily Post

The Art and Craft of Blogging

%d bloggers like this: