Captivating Beauty

Your blood has washed away, all of my sin and shame, Jesus the Son of God, You bore all the pain for me.

May maganda na Siyang pangalan at buhay pero pinili Niya pa ring magpakumbaba, magpakababa at mabuhay sa lebel ng mga taong madudumi, makasalanan, sasaktan lang Siya at di naman Siya papahalagahan.

Iniwan Nya yung pangalan na mataas pa sa lahat ng pangalan para mahalin at tanggapin yung tinuturing ng mundong ‘to na mga ‘mahina’, ‘basura’ at ‘walang kwenta’.
Minahal yung mga taong alam naman Niya na di Siya kayang mahalin pabalik katulad ng pagmamahal na binigay at ipinakita Niya. Nagpakababa Siya para yakapin at buhatin ang lungkot, sakit, imperfections at frustrations mo.

Ibinigay hindi lang yung kanan na pisngi ngunit pati yung kaliwa nang hindi ka makakarinig ng anumang reklamo at salita. Yung kahit alam Nyang mahirap at nasa temptasyon na Siya na tumigil sa pinapagawa sa Kanya, iitinuloy Nya pa rin kasi nananaig sa Kanya ang pag-ibig. Pag-ibig para sa Kanyang Ama at pag-ibig para sa’yo.

Yung sinag at kislap sa mukha Niya, di mo na makita nung dumating yung oras na pinahirapan na Siya. Puno na ng sugat na nagpagaling sa’yo at dugo na luminis sa’yo. Ngunit hindi naman nito nabura ang kabutihan, kalinisan at kagandahan ng Kanyang puso.

A perfect sacrifice. A holy offering. You gave it all for me. And I will forever sing.

Siya yung namatay para mabigyan ka ng buhay. Ang buhay Niya na walang bahid ng kasalanan ibinigay Nya sa mga makasalanan.

HE GAVE HIS ALL.

Buong buo. Walang tinira at tinago. Siya yung yayakap sa’yo sa mga oras na umiiyak ka, nahihirapan ka na o nawawalan ka ng pag-asa. Siya yung malalapitan mo na kaya ka pa ring tanggapin kahit masama, mabaho at madungis ka pa. Siya yung sumalo at nagmahal sa’yo nung hindi mo na yun nahanap sa mga taong nasa paligid mo at sa mundong ‘to. Sa kanya lang nagkaroon ulit ng purpose yung buhay mo na akala mo wala ng kwenta.

Sa kanya lang nagiging maganda ang mga salitang testings, trials, challenges, past and brokenness. Kaya kahit alam mong wala sa’yo yung lahat ng nasa mundong ‘to, masaya at contented ka pa rin kasi you’ve received the greatest gift of all! Sa Kanya ka lang makakalapit na dala dala mo kung sino ka talaga. He’s the One who knows your worst but still He loves you the most. Sa tagalog, alam Niya lahat ng kasalanan at baho mo pero kahit alam Niya, MAHAL NA MAHAL KA PA RIN NYA!!! MINAHAL AT MAMAHALIN KA PA NIYA.

Kaya kahit masaya ka bigla ka na lang iiyak. Kahit di ka naman marunong kumanta, mapapakanta ka. Kahit di ka naman marunong sumayaw, mapapagalaw ka.

What have I done to deserve Your grace and be free? No shadow of hope have I in anything I’ve done. It’s all by Your mercy and grace…

Naiintindihan mo ba yun? Kasi ako hindi. Hindi ko maintindihan kung bakit kaya Niyang mahalin yung taong katulad ko. Undeserving. Unworthy. Weak. Nothing.

Mas mahalaga pa ang tanong na ‘to sa tanong na “totoo bang may Diyos?”. Mahal Niya ko kahit ganito ako? Paano? Baket? Nature Nya kasi yun. He is Love. Oo nga. Pero baket? Anong meron? ASDFGHJKL!!! Ewan ko. Di ko alam. Ito ang tanong na hindi mo, hindi ko at hindi nila kayang sagutin. No eye has seen. No ear has heard. No mind can fathom how high, how deep and how wide His love for us. (1 Cor. 2:9, Ephesians 3:17)

Ito yung pagmamahal na di mo na kelangan ng explanation.

The Cross already proved it. His love is not meant to be explained. It is meant to be experienced.

Pero kung meron man talagang dahilan kung bakit nararansan natin lahat ng ‘to, hindi pa rin yun sa nagawa natin e. Noong nakatanggap ka ng ____ (insert all the blessings you’ve received), nung naging _____ (insert all the achievements and where He placed you), hindi dahil magaling kang ____(insert your talent), marunong kang _____(insert your skills/abilities), ang _____ (insert good words)mo, wala lahat, anino man ng lahat ng nagawa natin, hindi! Hindi dahil sa’ten, dahil pa rin yun kay MERCY and GRACE! Alam kong matatapos ang buhay ko dito sa mundong ‘to na hindi ko ‘yan masasagot. Baka 5% lang ang maiintindihan ko. 1.5% lang siguro ang nasa blog na ‘to.

You captivate me, beautiful Jesus. Your sacrifice reveals the glory of Your love. You came as ransom for my life. Now I’m living this life for You, Jesus.

Masaya ka sa mundo pero nasasaktan ka rin nito pero dumating yung araw na narealized mo, ‘ui, mas okay tong Jesus na ‘to a’ Dinaan ka ng mundo sa kung anu anong paraan para mabighani ka pero si Jesus, simple lang, sinabi Niya, ginawa rin Nya. Kaya nga mas may impact saken pag si Jesus ang kumanta ng “I will love you unconditionally” kesa kay Katy Perry e.

Everytime na binabalikan mo kung sino ka dati tapos titignan mo kung sino ka ngayon, everytime na helpless, complicated at dangerous na yung situation mo pero iba na yung perspective mo, andun na yung peace at security, bigla ka na lang maluluha, mapapangiti at magpapasalamat to the beautiful Jesus who revealed His ‘beautifulness’ to You! Kahit mahirap yung buhay, di mo na Sya magawang talikuran. Kasi lahat ng hinahanap mo noon, sa Kanya mo natagpuan. At kung tatalikod ka pa, kanino ka pupunta? Kahit masakit at mabigat yung dala at binibigay ng mundong ‘to, pinipili mo pa ring mabuhay para sa Kanya kasi sa huli alam mo na worth it lahat. Yung pagmamahal Niya talaga ang magpapalingon at magpapabalik sa’yo.

Lahat ng luha na lumabas sa mata mo, pupunasan Niya. Lahat ng saya na naramdaman mo, dadagdagan pa Niya. Lahat ng hirap at sakit na naranasan mo sa mundong ‘to, mawawala kasi sa tamang panahon, pagmamahal na Niya ang mararanasan mo.

Narealized ko lang, kaya nasa huling part yung “Now I’m living this life for You, Jesus.” kasi kelangan mo munang mahulog, mainlove at magandahan sa kung sino Siya. Hindi mo maibibigay ang buhay mo sa taong ‘di mo rin naexperience ang pagmamahal Nya sayo. (…because He first loved us.)

When Jesus said and showed to me that I am worth dying for, that loved and faithfulness moved me to live a life that will proclaim, He is also worth living for! You need to experience the love and faithfulness of this beautiful Jesus before you’ll realize that You’re also living a beautiful life!

Yung marerealized mo na lahat ng bagay sa buhay mo hindi maganda and the one and only beautiful thing or person in your life na natitira is si JESUS. It will just leave you a WOW!!
Brokenness is beautiful. The story of redemption is beautiful. The Cross is beautiful. Jesus is beautiful. He captivates me!

Whom have I in heaven but you?

And earth has nothing I desire besides You. 

-Psalm 73:25

Jesus04

Because Your love is better than life, my lips will glorify You.

-Psalm 63:3

Originally posted as Facebook Note, June 6, 2014.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

ThatBLKGuy

God. Reality. Truth. Convictions. Issues. - Life in short.

DISCIPLESHIPNEVERSTOPS

disciple in the making

jrestrada7's Blog

A topnotch WordPress.com site

Ian Daguman

Family, Leadership and Campus Ministry

In Princess's Heart

Craving for Wisdom, Truth and Love

LOVE WINS

THE AGAPE LOVE

Royal Priesthood

a chosen generation called out of darkness into Light

one step at a time

high. mighty. righteously.

Woman after God's own heart.

Delight yourself in the LORD and He will give you the desires of your heart. ~Psalm 37:4

Bits and pieces

The Freedom We Know

Jessica Verzon

Just some random thoughts

The Daily Post

The Art and Craft of Blogging

%d bloggers like this: