Sonship 4.0

MY MISSION. MY VISION.

“Walang bagsak… Hindi ako uulit ng subject…

Makapagtapos sa tamang panahon… Maihonor si God…”

Pagpasok ko sa kolehiyo, okay na ko dito.

Ngunit parang imposible, dahil kasabay nito ang pagtalikod ko sa palagi kong ginagawa nung high school: relying on other’s work or cheating.

When I was still a freshman, the only way I did to pass those hard subjects was to cheat dahil yun ang nakasanayan ko.

Naglaban yung isip ko. Paano mangyayari yung nasabe kong mission? Posible ba?

I chose to trust God kahit parang ang labo that time. Kumapit ako sa sinabi sa Bible na…

“Anyone who trusts in him will never be put to shame”

-Romans 10:11

Sa totoo lang, hindi siya naging madali. Ilang beses ko ring naranasan na makasama sa top 5 na nakakuha ng lowest scores pag may exam at walang makuha sa practical exam. Dumating ang worries and doubts na babagsak ako, maging ang temptation na mangopya at umasa na lang sa iba sa susunod.

But I chose to trust and honor God. Hawak Nya ko. Di Niya ko papabayaan.

Kung ang paghonor at pagfollow sa Kanya ay may kasama talagang pagbagsak, pipiliin kong bumagsak para maihonor Siya.

Ilang beses rin akong umiyak sa bahay, sa school at sa church sa hirap. Umaga man o gabi. May oras pa sana na susuko na dapat ako. Ayoko na sana…

But His strength, grace, faithfulness and love sustained me.

Iniwan ko na lang ang lahat sa Kanya.

In reaching your “promised land”, you must have the right heart and attitude. Yung relax ka lang kasi alam mong may in control. Yung ineenjoy mo ang bawat moment at hindi ito minamadali. Yung kahit alam mong naiwan at naunahan ka na ng iba, may pag-asa ka sa puso mo na kung anuman ang narating nila, makakarating ka rin dun.

At the end of the day, it’s not always about reaching that “land”, but who are you and who you’ve become that really matters. Yung taong ikaw habang patungo ka sa promised land.

Kung nanghihina at napapagod ka na, wag kang susuko. Kung kelangan mong gapangin hanggang matapos, gapangin mo. Dahil lakas pa rin Nya ang magdadala sa’yo sa pangarap na inihanda Nya para sa’yo.

 

HIS MISSION. HIS VISION.

Ngunit matapos ang lahat, nang balikan ko yung mga pangarap ko nung maguumpisa pa lang ako, maliban sa pang-apat na sinabi ko na ihonor Sya, narealize ko na ang liit pala ng pangarap ko sa sarili ko.

Ang apat na taon ay nagsilbing patunay na faithful si God anuman ang mangyari.

Kung anuman ang natanggap ko, hindi ito ang pangarap ko sa sarili ko. Ito ang pangarap at plano Nya para sa buhay ko.

Posible pala talagang makagraduate ng may honesty at integrity. May bonus pa. basta kasama mo si Lord. Dahil faithful si Lord.

Maraming beses na kung ako ang magbibigay ng grades sa sarili ko based sa performance ko, bagsak ako. Pero pagtanggap ng pinakafinal grade, magugulat ka na lang kung paano nangyari na nakapasa ka. Narealize ko na si God pa rin yung nagbibigay sa’yo ng grades. Nasa sa’yo na kung paano mo tatanggapin.

“I raised you up for this very purpose that I might display my power in you and that my name might be proclaimed in all the earth”

Romans 9:17 (NIV)

Mas masarap pala matanggap yung mga bagay na hindi mo masyadong ineexpect.

Yung nageenjoy ka lang at sumasabay ka sa kung saan ka dalhin ng Grace Nya.

Everything is a gift. Sabi nga ng pari nung Thanksgiving Mass. At kung regalo ito, wala akong ginawa kung hindi tanggapin lang. At kung alam mo talaga na si Lord yung nagdala at nagappoint sa’yo, walang lugar para sabihing deserved mo ang lahat ng bagay, ipagmayabang at sa tinatawag na entitlement.

Di mo kelangan magperform ng magperform para marating lang yung pangarap mo. Kasi yung pangarap na inihanda Nya para sa’yo, sealed and secured na yun. Kung dun ka talaga Nya gustong dalhin, dadalhin ka Nya dun.

Nakakatuwa. Yung mga bagay na iniiyak mo noon, ngayon, rason na lang ng pagngiti mo ngayon. Totoo nga na there may be pain in the night or kahit overnight but there’s joy in the morning.

Hindi numero na 1.0, 2.0 o 3.0 ang armas mo. Maging ang titulong Summa, Magna o Cum Laude. Ang armas mo ay ang Katotohanan at Liwanag sa puso mo. Dahil mas malakas ang nasa loob mo kesa nasa mundo.

Nung mga oras na nahihirapan ka at nanghihina ka na tumuloy, mataas pa rin ang tingin Nya sayo. Kasi nakikita Nya na ang destiny mo. Excited Syang ipakita sa’yo na walang ikukumpara yung mga pagsubok na nararanasan mo sa panahong ‘to kesa sa darating na panahon na ipapakita Nya yung power at faithfulness Nya sa buhay mo.

“Studying is one way of glorifying God.

It is a proof that the servants and students of the Lord

never get left behind because Jesus is their wisdom.”

*Quote Not Mine

Naging witness ka rin ng paglalakbay na to. Nabasa mo yung mga ups and downs ng isang estudyanteng katulad ko mula sa Sonship 1.0 hanggang Sonship 3.0. At kung nagtataka ka kung bakit Sonship ang pinili kong pamagat, hindi na lang “Buhay Kolehiyo” o “Chronicles of Randy Camba”, it’s for me to be reminded that before I am a student, I am a son. I have a personal relationship with God – a Father-and-son relationship.

He is faithful even when I’m not. He desires and have the best things for my life. He works things for my own good. He wants me to experience His goodness, grace and love every time.

Faithfulness at grace ni God ang bumuo ng istorya na ito. Paumpisa pa lang ako sa college at habang sinusulat ko pa lang ang Sonship 1.0, alam Niya na at nabuo nya na sa isip Niya ang Sonship 4.0.

DSC_0951

Salamat sa pagiging parte mo ng paglalakbay na ‘to. Thank you for investing your tongue, time and treasure to a student like me. Your prayers and encouragements really pushed and motivated me to keep running the race.

Ang blog na Sonship ay dito na nagtatapos… Bilang estudyante. 🙂

Advertisements

3 responses to “Sonship 4.0

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

ThatBLKGuy

God. Reality. Truth. Convictions. Issues. - Life in short.

DISCIPLESHIPNEVERSTOPS

disciple in the making

jrestrada7's Blog

A topnotch WordPress.com site

Ian Daguman

Family, Leadership and Campus Ministry

In Princess's Heart

Craving for Wisdom, Truth and Love

LOVE WINS

THE AGAPE LOVE

Royal Priesthood

a chosen generation called out of darkness into Light

one step at a time

high. mighty. righteously.

Woman after God's own heart.

Delight yourself in the LORD and He will give you the desires of your heart. ~Psalm 37:4

Bits and pieces

The Freedom We Know

Jessica Verzon

Just some random thoughts

The Daily Post

The Art and Craft of Blogging

%d bloggers like this: